crappy emo poem
FC
may ilog na dumadaloy
sa loob ng aking dibdib
mag pag-iisip ay lumalangoy,
sa bawat hikab at hikbi
sa mga pamilyar na tanawin
ang mangingisda ay nagtaka,
sa makabagong daloy ng emosyon,
ilog ay rumaragasa
o ano itong aking nadarama?
tanong ng binata,
naninibago sa lungkot
at mabigat na patak ng kaniyang mga luha
kahit na alam kong wala na,
ang mangingisda'y tuloy parin sa pamamangka.
sa pagkawala ng pag-asa'y
mga salita ang sumasapin sa mga luha
bukas ay makakasama muli kita
kaunti na lamang ang lalakbayin ng mama,
isang araw ay nagiging sampung taon,
isang oportunidad, isa nanamang pagkakataon?
ngunit bakit kapag dumating na
ang pinakahihintay mong sandali,
bumibilis ang oras?
di kayang gawin pitong taon,
ang pitong minutong iniiwas
kung pwede lang sana pahintuin ang oras,
ang ilog ay patuloy sa pag-agos
sa bawat tinik ng rosas...
-akira liwanag
may ilog na dumadaloy
sa loob ng aking dibdib
mag pag-iisip ay lumalangoy,
sa bawat hikab at hikbi
sa mga pamilyar na tanawin
ang mangingisda ay nagtaka,
sa makabagong daloy ng emosyon,
ilog ay rumaragasa
o ano itong aking nadarama?
tanong ng binata,
naninibago sa lungkot
at mabigat na patak ng kaniyang mga luha
kahit na alam kong wala na,
ang mangingisda'y tuloy parin sa pamamangka.
sa pagkawala ng pag-asa'y
mga salita ang sumasapin sa mga luha
bukas ay makakasama muli kita
kaunti na lamang ang lalakbayin ng mama,
isang araw ay nagiging sampung taon,
isang oportunidad, isa nanamang pagkakataon?
ngunit bakit kapag dumating na
ang pinakahihintay mong sandali,
bumibilis ang oras?
di kayang gawin pitong taon,
ang pitong minutong iniiwas
kung pwede lang sana pahintuin ang oras,
ang ilog ay patuloy sa pag-agos
sa bawat tinik ng rosas...
-akira liwanag
